Ikaw ba ay nag-AWOL at hindi mo alam ang dapat mo gawin?
Respeto lang, alam ko naman na meron silang reason kung bakit sila nag-aawol.
Siguro, kupal yung TL. Kupal din yung mga kasama mo. Mas kupal din yung management.
O di kaya na-pressure dahil nahirapan sa account na pinasukan.
Pero, ang pag-aawol ay BAD.
Sabi nga nila, "kung tinanggap ka ng maayos, umalis ka ng maayos.."
Eh, nakapag-awol na nga.. Whut?
Teka, bago ako magbigay ng tips. Hindi ako HR at hindi ako expert pagdating sa ganitong topic.
Pero aaminin ko, nag-awol na ko dati. Kaya alam ko yang nararamdaman niyo. Ukie?
Dalawa lang naman ang pwede mo gawin.
Una, bumalik ka sa company at magpa-clearance ka. Para kahit papaano ma-cleared ang pangalan mo at makuha ang backpay.
Pangalawa, kalimutan mo na ang lahat.
Ok, karamihan sa mga nag-aawol hindi na talaga yan nabalik. Siguro naiisip nila, "aawol-awol ako tapos babalik balik ako.."
Pero yan ang the best na pwede mo magawa.
First thing that you can do, contact your previous supervisor. Sabihin mo na gusto mo bumalik para mag pa-clearance and you ask for process kung ano pwede gawin.
Of course, nandiyan yung mag sosorry ka, and explain what happened.
In my experience, kinausap din ako ng HR. Pinasulat ako ng written statement. Then, binigyan na ko ng clearance form and surrendered my ID, badge and ATM.
Then.. tadah! Cleared na ko. Masarap sa pakiramdam. HR told me na mag wait na lang sa call for my backpay. After 3 months, i got my backpay and my COE.
Ok, hindi ko alam kung pare pareho ang process pagdating sa paghandle ng mga nag-awol na employees.
Pero may karapatan ka talaga na kunin yung backpay mo kahit nag-awol ka. As long na magpapa-clearance ka.
Nakakahiya pero if you want your name to be cleared. Bumalik ka dun at magpaclearance. Just don't forget to contact first your supervisor.
You can now declare it on your resume, yun lang, kailangan mo mag-explain. Ang importante, you are cleared.
Now, kung plano mo na wag na bumalik, it's your choice. Kung idedeclare mo yan sa resume mo, HR will ask for your COE.
Kung hindi mo dineclare, magkakaroon ka ng employment gap. Meaning, kung hanggang 4 months ka lang dun, 4 months ka magkakaroon ng employment gap.
Some HR peeps will ask you ano ginagawa mo ng 4 months. So, kailangan galingan mo mag imbento ng kwento.
In my opinion, kung magsisinungaling kayo, dapat may back up plan kayo. Kung sasabihin mo na nag alaga ka ng parents mo na may sakit, they may ask for some documentations like medical chu chu.
Mas ok kung sasabibin mo na nag negosyo ka or you helped your parents sa family business sa province. Or, nag freelance job ka.
Heads up lang, may mga BPO na sobrang higpit ng background check. Malalaman talaga nila na nag awol ka.
Lalo na mga in-house BPO at BPO na may financial accounts. Worst case scenario, pag nalaman nila, they can terminate you.
Kaya ingat sa mga ganyang BPO.
Siguro naiisip mo, nalalaman ba talaga na nag awol ka?
Of course. Nalalaman nila yan. Pero depende sa standards nila. As long na awol lang talaga nagawa mo, iveverify nila yan kung nakagawa ka ba ng serious offense like theft, sexual abuse, etc..
Kung awol lang talaga, hahayaan lang nila yan. Pero katulad ng sinabi ko, pag strict ang background check, deDs ka.
May nakukulong ba sa pag-aawol? Wala pa naman ako naririnig na nakulong na agent dahil sa pag awol.
Conclusion, mas okay kung nagpaclearance kayo. Promise, mas magiging okay ang paghahanap niyo ng work kapag wala kayong gusot.
Sa mga gusto magtanong related sa topic na to. Mag message lang po sa FB, i-click po ang link.
https://m.me/ed.kunawan.7